Huwebes, Nobyembre 15, 2012

Si Agent Prito


Name:   Agent Prito

N-Name:  Prito-Loco

Address:  Pet  shop  (sa  maniwala  kayo  at  sa  hindi,  doon  talaga  ako  nanggaling!!)

Hobby:  Ang  mang-good  time  at  mag  bar  hopping  every  aah….WALA  PALA  SIYANG  TIME!!
 
Motto:  Today  I  don’t  feel  like  doing  anything!


Si  Agent  Prito  ang  pinakamakulit  sa  lahat.  Magkagayunman  loyal  siya  sa  trabaho  niya  at  sa  kanilang  boss.  Nang  magkaroon  ng  malawakang  bird  flu  sa  bansa  ay  napatalsik  siya  sa  pet  shop  at  napalaboy-laboy  sa  daan.  Nagutom,  pinaglaruan ng  mga  tao  at  hinabol ng  mga  pusa  (honestly,  wala  sa  mga   ‘yan  ang  totoo  dahil  nanirahan  siya  sa  loob  ng  basurahan  at  kumain  ng  kumain.  Dalawang  oras  ang  makalipas  sa  pagpapatalsik  sa  kanya  ay  natagpuan  siya  ni  Bossing.)  *Trumpet sounds*  Ay  galing!
         
Isanama  siya  sa  ibang  Agent  aaat  naging  bestfriend  niya  si  dog.    

 



Biyernes, Pebrero 24, 2012

Si Agent Roasted




Siya  ang  pang-apat.  Actually,  napilitan  lang  yata  siyang  sumali  kasi  ayaw  niyang  iwan  ang  jowa  niya  sa  CHICK-EN  PLANET.  Kaya  nga  lang  nangailangan  siya  ng  pera  para  sa  kasal  kaya  wala  siyang  nagawa  kundi  ang  magtrabaho  para  makaipon.

NAME:  Agent  Roasted
N-NAME:  The  grinning  chicken
ADDRESS: CHICK-EN  PLANET  (kayo  na  ang  bahalang  manghula  kung  saan  yon.) *clue*  (malapit  siya  sa  planet  NEMIC!  )
HOBBY:  Grin  all day  and  all  night (kahit  pa  tulog!)
MOTTO:  I'm  always  trying  to  be  cool  but  im  feeling  so  LONELY!!!( I'm  feeling  so  lonely, baby! I'm  feeling  so  lonely!!)



At  heto  na  siya  *tadaa*  siya  na  mismo  ang  lumapit  kay  BOSS  para  magtrabaho.  Sa  una  ayaw  pa  ni  BOSS  sa  kanya  dahil  palagi  siyang  nakangiti. (hindi  naman  sa  naiinis,  ang  gusto  kasi  ni  BOSS  siya  mismo  ang  pipili  ng  ahente  niya.) at  hayun  nga.  after  a  decade  of  waiting  napilitan  na  rin  si  BOSS  na  isali  siya. (`wag  sana  akong  isumpa  ng  jowa  niya.)

Si Agent Adobo



Name:       Agent  Adobo
N-Name:   Taong  Tabon
ADDRESS: Anywhere basta makikita  mo  lang  siyang  pakalat-kalat
HOBBY: Mahilig  siyang  manakot  ng  kapwa  kahit  na  hindi  naman  niya  intensiyon  na  gawin  iyon.
MOTTO: I'm  funny  but  if  you  provoked  me  expect  a  freaky  future  dahil  isusumpa  ko  kayo!






Masaklap  ang  naging  buhay  ni  Agent  Adobo  sa  kamay  ng  kanyang  pamilya  dahil  nakaranas  siya  ng  deskriminasyon.  Itinakwil  siya  ng  nanay  at  tatay  niya  dahil  iba  daw  ang  itsura  niya  sa  mga  kapatid  niya.  kasalanan  naman  'yon  ng  kanyang  ina  dahil  ipinaglihi  siya  nito  sa  kalahi  ni  DRAGONIAN.  Pero  hindi  naman  siya  dapat  katakutan  dahil  mabait  naman  siyang  talaga!  (promise  'yan!)
Napulot  siya  ni  BOSS  ng  minsang  maghanap  ito  ng  pagkakaabalahan.  At  siya  ang  napag-trip-an  nito.
gayunpaman  masaya  siya  sa  feeling  ng  mga  kapwa  agent  kahit  pa TAONG  TABON  ang  tawag  ng  mga  ito  sa  kanya.

Miyerkules, Pebrero 22, 2012

Si Agent Tinola

Siya ang sumunod!....Nakita siya ni Boss na palutang-lutang sa ilog.  Ang akala ni Boss ay patay na siya pero ang totoo naninisid lang siya ng tahong at uod! ACTUALLY,hobby niya 'yon!


NAME: Agent Tinola                                                                            
N-NAME: A-T
ADDRESS: Sa lumang bayan ng Cotabato
HOBBY: Manghuli ng uod at kumain ng tahong.
MOTTO: Matulog.(walang pakialamanan bastah! motto 'yon!)




Ang isa sa aakalain mong walang kwenta..ang totoo niyan mahilig siyang sumilip sa kwarto ng may kwarto..kaya ng minsan ay may nahuli siyang dumadausdos sa kama..si Agent Roasted at ang jowa ever nito!






Good things never lasts!

Lunes, Pebrero 20, 2012

Si Turbo Master

Nagsimula ang lahat sa eskwela....(joke lang..) sa story poh talaga 'yon..na soon mababasa niyo dito sa blog ni Turbo Master..ang soon you will meet na rin ang iba pa niyang kasamahan...too bad hindi sila makalipad kaya wala pa sila!


Name: Turbo Master
N-Name: TM
Address: Poultry House
Age: Unknown
Hobby: aaah...ang mangulit at manggulo ng kapwa!
MOTTO: PAGKAIN!!


and here I am! ewan ko kung bakit ako napadpad dito..ang alam kokanina nanonood lang ako ng porn sites..*ngisi* tapos bigla na lang akong napunta dito. Tapos bawal pa daw ang magpakalatkalat dito..kung hindi! Sa turbo machine ako babagsak ng wala manlang seasoning!  well enewey..


sana mag-enjoy ang lahat ng narito kahit wala pang gaanong laman! hayaan niyo sa susunod mapupuno na 'to ng kabalbalan sa buhay! (maligo ka na!) hindi naliligo ang manok! (sabi ko nga!)......